Linggo, Enero 8, 2012

 

Hiwaga ng "MalGua" ointment ni  ChEsTEr



                                                                                    Ikaw ba’y nasugatan, may allergy ,ezcema, nangangati ang pangangatawan, o nakagat ng insekto? Pagod ka na bang manlaga ng dahong bayabas panlunas sa mga ito? O sawa na sa mga synthetic ointment na napakamahal at hindi naman epektibo? Wag kang mag– alala mga mare't pare ko, sa murang halaga, tyak! Maaaford  mo ito!... Katunayan makikita ang mga sangkap na gagamitin dito sa bakuran ninyo. Anu– ano ang mga ito?. Halika’t ituturo ko!


IHANDA LAMANG ANG MGA SUMUSUNOD:


*      Kawali·

*      Strainer ( pansala )·

*      Vegetable oil ( 50 ml)·

*      Higit sa 50 pcs. Dahon ng bayabas·

*      1 pc. Candle ( Php. 2.00)·

*      Small empty plastic container·

*      5 pirasong tangkay ng malunggay·
 *      Mortar and Pestle


    PAMAMARAAN:

ü Sa mainit na kawali, ilagay ang vegetable oil ( 50 ml.)

ü  Kapag mainit-init na ang mantika ilagay ang dahon ng bayabas ( chopped ).·

ü  Kapag lumabas na ang katas nito at naging      kulay brown na ang dahon, alisin gamit ang salaan para mas lalung lumabas ang katas .·

ü  Sunod na ilagay ang dahon ng malunggay at hintayin ring lumabas ang katas.·
ü  Matapos salain ang malunggay, siguraduhing mabuti na walang anumang tirang dahon  na naiwan  sa kawali.·

ü  Kapag nasigurado na, ilagay ang kandila at kunin ang kawali matapos matunaw.·

ü  Sa iyong inihandang container, ibuhos ang malunggay-guava extract gamit ang funnel kung maaari.·

ü  Hintayin itong manigas ng ilang minuto! At anupa!? May “ MalGua” ointment ka na.! Sa murang halaga hindi ba may panggamot  na!·



 Dahil nga approved and tested  ng DOH  na epektibong panlaban sa  mga bacterial infection ang dahong bayabas at nagpapa-nourish ng skin ang malunggay.. Magdadalawang isip ka pa kayang gumamit nito?.Sa pangalan pa lang na “ MalGua”  hindi ba’t miraculous na?!... Bukod dito, maaari rin itong mapagkunan ng kita o negosyo. O, ano pang hinihintay mo?? Ito na ang oras upang buhay mo’y umasenso!.





















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento